See - (45) Facebook
"x x x.
STATEMENT OF SEN. LEILA M. DE LIMA ON THE LATEST TIRADE OF PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
Words cannot express what I am feeling right now. I guess no one can, because no one has ever been attacked in such a manner by no less than the highest official of the land, until now. How does one defend oneself, when the attacker is immune from suit, and has all the backing of executive power to support him in his personal attack? This is no less than abuse and misuse of executive power. I don’t think the Constitution has ever contemplated such abuse of power on such scale, as it assumes every President to conduct himself in a manner befitting the office he holds.
It seems that this is not the case for this President.
If this is his way of stopping the Senate’s investigation on the extrajudicial killings, he can try until he finally silences me or the Senate. But I think it is already clear that what is being done to me is what will happen to anyone who does not bow to the wishes of the President. If stopping the Senate investigation is the only way for these personal attacks by the President and his men to also stop, believe me I have already thought about that.
Tao lamang din po ako na nasasaktan, natatakot at nag-aalala rin para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay. Kagalang-galang na Pangulo, Your Excellency, naisip ko na rin po na itigil na ang imbestigasyon sa mga summary executions kung iyon ang gusto ninyo para lamang matigil ang mga personal na atake sa akin. Sumagi na rin po sa isipan ko na itigil ang imbestigasyon kapalit ng katahimikan sa aking buhay. Pero kapag ginawa ko po ito ay parang tinalikuran ko na rin ang sarili kong pagkatao, at itinatwa ang sarili kong mga paninindigan at paniniwala. Hindi na po ako ang tatayong kinatawan ng bayan sa Senado. Isang huwad na anyo ko na lamang ang tatayo doon. Para ko na rin pong binaon ang aking sariling pagkatao.
Mas nanaisin ko na kayo at inyong gobyerno ang magbaon sa akin kaysa ako ang magbaon sa aking sarili. Alam ko pong may mga kaso kayong hinahanda laban sa akin. Hihintayin ko na lamang na isampa ninyo ang mga reklamo at sa tamang panahon ko na po sasagutin, kung bibigyan ako ng pagkakataon ng inyong gobyerno na ipaliwanag ang aking sarili at ibigay ang aking panig.
Matagal na po akong nakakatanggap ng mga impormasyon tungkol sa pag-imbento ng mga ebidensya laban sa akin, at mga babala na sisiraan ako kung hindi ako tumigil sa tingin ninyong pagbatikos at pagpuna sa inyong pamamalakad. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito. Buong akala ko na hindi kayo mismo ang magiging biktima ng sarili ninyong propaganda at social media operations. Sana po ay hindi pa sarado ang inyong isip na pakinggan muna ang aking panig, bago ninyo ipagpatuloy ang paninira sa aking pagkatao sa harap ng publiko at taumbayan.
Kahit iyon lang po sana ay ibigay ninyo sa akin, ang pagkakataon na ipagtanggol ang aking sarili, lalo na po sa isang kalagayan na ang Pangulo na ng bansa ang nagdeklara na siya ang aking kalaban at personal na nag-aakusa sa akin. Pangulo po kayo. Senador lamang po ako. Patas na laban lamang po ang aking hinihingi. Sana ay ibigay ninyo sa akin ang ibinigay na rin naman ng batas at Konstitusyon sa kahit na kaninong na-aakusahan sa ilalim ng ating sistemang pang-legal.
Kung ang pag-atake sa akin ay gagawin sa pamamagitan ng pag-atake rin sa mga dati kong kasama sa trabaho, o maging sa aking sariling pamilya, sana ay huwag na ninyo silang idamay. If you are bent in destroying me, please have the decency to spare my colleagues, friends, and family. Wala po silang kasalanan sa inyo.
Sa kabila nito, makakaasa po kayo na magiging patas at makatwiran ang aming gagawing imbestigasyon sa mga nagaganap na mga pagpatay sa inyong giyera laban sa droga. Nanaisin namin na ang kahahantungan nito ay ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga nagaganap na karahasan at pagkitil ng buhay mula ng naumpisahan ang inyong laban sa droga. Sisiguraduhin namin na ang magiging resulta nito ay ang pagpapalakas ng batas para sa pagsugpo ng kriminalidad na hindi naisasantabi ang karapatang pantao, ng mga napaghihinalaan man, o ng mga inosente nating kababayan.
Tama na po ang pananakot at panghihiya. Bumalik na po tayo sa kaayusan na dulot ng pag-iiral ng batas at simpleng respeto sa kapwa tao.
I have always been loyal to my oath as a public servant. I am not the enemy here. Stop portraying me as one.
I ask the nation to continue praying with me, for me, for the President, and for the country.
Maraming salamat po.
x x x ."