ANONG NANGYARI SA PRINSIPYO NG PDP-LABAN?
ROY A. ENDRIGA:
"ANONG NANGYAYARI SA PDP-LABAN? Sa totoo lang member ako ng PDP-Laban for quite sometime. Maganda ang platform ng partidong yan, may pagka-reformist ang agenda kaya nagustuhan ko. Halos kadikit ng LP ang programs nila although mas left of center ang PDP-Laban kaysa LP maybe because of Nene Pimentel. Umatend pa ako ng series of orientation lead by Nene Pimentel. For a time hinawakan yan ni Pepeng Cojuangco kaya umalis na ako. Hinawakan din yan ni Jojo Binay kaya lang umalis siya in 2010 dahil tumakbo si Koko Pimentel sa tiket ni Pinoy kaya binuo niya ang UNA. Tapos ngayon ang presidente, si Manny Pacquiao? Sa mga hindi alam ang PDP-Laban ay binubuo ng dalawang partido, Ang Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP) ni Nene Pimentel at Lakas ng Bayan (LABAN) ni Ninoy Aquino. Isa ang PDP-Laban, kasama ang LP(headed by Jovy Salonga, NP (headed by Doy Laurel) at iba pang civil society groups ang nagpanalo ng UNIDO team na nagdala kay Cory sa Malacanang. Tapos ngayon ang PDP-Laban president ay si Manny Pacquiao? O come on!"