Talumpati sa Pagtatapos ng mga Mag-Aaral ng Unibersidad ng PilipinasAbril 27, 2014, UP Diliman
"x x x.
Maaaring dalawa o higit pa ang kuro-kuro niyo sa maaring sabihin ng Punong Mahistrado sa mga magtatapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Unang hula, napaka-boring o nakababagot pakinggan ang isang huwes, kahit alumna pa sya ng pinaka-exciting na unibersidad ng Pilipinas, kasi napakaseryosos ng sasabihin nya sa mga magtatapos dahil sya ay huwes. O kaya, baka naman may bago syang perspektiba na makaktutulong sa aking pag-unawa sa aking kinabukasan o kaya sa kasalukuyang nangyari sa aking bansa.
Ang balita ko po sa inyo: seryoso, makakatulong sa kinabukasan at may kinalaman sa pangkasalukuyang pangyayari ang pag-uusapan natin ngayon. Nguni’t hindi po ito nakababagot, kundi exciting o nakakapagbilis ng daloy ng dugo ang pag-uusapan po natin ngayon. At masasabi ko po sa inyo, dahil sa kasama ko kayong mga iskolar at pag-asa ng bayan, doble po ang aking gana na patunayan sa inyo kung bakit dapat po tayong ma-excite sa kinabukasan ng ating bayan.
Noon po, imposible na malaman kung magkano o gaanong kalaki ang pagdarambong sa bayan. Wala pong mga whistleblowers, at bagama’t mayroon na pong COA, wala po masusing pag-aaudit ang ginagawa sa mga pondong ipinagkatiwila sa mga opisyales. Wala pong gaanong interes na pag-usapan kung ano ang ibig sabihin ng accountability sa gobyerno, kung gaano ba katapat ang pagsunod sa mga alituntunin ng Konstitusyon. Alam po ng lahat na ang mga mansion ng mga matataas na opisyales ay hindi po nila kayang ipagawa sa lehitimong kita, lalo na po’t maraming mga kerida o pamilya, ngunit kakaunti lamang po ang makapagtaas ng boses laban sa garapalang pamumuhay ng magara. Kahi’t anong ingay po ng ilang mag peryodista, mananalo at mananalo pa rin po ang gayung mga politico sa mga halalan. At, napakaliit po ng tsansa na sila ay maipakulong.
Iba na po ang ihip ng hangin ngayon. Ngayon, hindi lang po dumadami ang mga whistleblowers, nagiging masigasig na po ang government auditors. At hindi po nagsasawa ang mga taumbayan na hingin na managot ang dapat managot sa hindi lamang kapabayaan kundi maaaring tahasang pagnanakaw sa ating bayan.
Hindi ko po masasabi ang kahihitnan ng lahat ng mga imbestigasyon, akusasyon at mga kasuhan sa korte na nangyayari ngayon, sapagka’t bilang huwes, hindi ko maaaring husgahan ang sala ng isang akusado hangga’t napatunayan na ang ebidensya sa hukuman. Nguni’t ang masasabi kop o, anuman ang magiging kararatnan ng mga judicial processes na dadaana, kailangan po ng walang humpay na pagbabantay ang taong bayan hindi lamang sa kaban ng bayan, kundi sa pagganap ng mga tungkuling iniatas ng ating konstitusyon sa mga opisyales ng pamahalaan. Mula pos a pinakamababang huwes hanggang sa mga matataas na mahistrado ng Korte Suprema. Mula pos a maliliit na clerk ng Bureau of Internal Revenue hanggang district officers at higit po. Mula sa mga administrative officers ng dalawang kamara ng lehislatura hanggang sa mismong mga mambabatas. Hindi po dahil inaakusahan natin ang kahit sino na hindi nila ginagawa ang kanilang mga trabaho, nguni’t dahil matindi po ang pagnanasa ng sambayanang Pilipino sa tunay, malawakan at malalimang pagbabago.
Hindi na po tayo pumapayag sa business at usual. Hindi na po tayo papayag sa mga manggagagawang papatay-patay. Ang kagustuhan ng lahat ay makita ang matibay na prgoreso at kaganapan sa ating bansa. Pagka’t natitikman na po natin, bhagyang nalalasahan na po ng ating mga dila ang tamis ng bagong Pilipinas. Isang Pilipinas kung saan ang mga mamamayan ay marangal, masisipag, at matatalino. Isang bansang maaring ipagyabang hindi lamang asa angking kakayanan ng kanyang mga mamamayanan sa iba’t ibang larangan ano mang sulok ng mundo, nguni’t dahil ito ay isang bansang malayo na ang nararating – mula sa kabayanihan na ipinakita niya nang siya ang unang lahi sa modernong Asya na nagtaguyod ng rebolusyon laban sa lahi ng puti, mula sa kagitingan ng pakikidigma sa mga Hapones at pagbangon ng bansa lalo na ang Maynila sa pagkapulbos niya sa World War II (nahigitan lamang po ng Warsaw Poland sa pagkawasak), at, kung saan ipinakita niya sa buong mundo ang kawalan niya ng takot sa mga tangke de gyera sa pinakaunang People Power sa buong mundo. Madami na po tayong nagawang nakakahanga – maaring nakalimutan lang natin – at marami pa rin po tayong kadakilaang magagawa na higit na kahanga-hanga.
Halimbawa na lamang po, ngayon lang ako nakakakita ng napakadaming mga kabataang gustong maglingkod sa gobyerno sa iba’t ibang kapasidad. O kaya maging tourist guide dahil umaapaw ang pride nila sa kagandahan ng likas na yaman ng Pilipinas o sa yaman ng kasaysayan nito. O kaya maging natural scientist dahil gusto nilang pag-aralan ang libo-libong hindi pa natatalaga at nasisiyasat na mga species ng halaman, hayop at marine life sa Pilipinas. O maging environmentalist para pangalagaan ang kinabukasan ng yamang natural nito. O kaya maging winning athlete sa iba’t ibang paligsahan para mabitbit ang bandera ng Pilipinas. At ilan po sa matatapang nating mga kabataan ang umakyat sa Mt. Pulag o iba pang matatayog na bundok sa bansa at nagkaroon ng epiphany na ang pagtapak pala sa tuktok ng bundok ay para ring pagkamit ng matatayog na pangarap sa buhay, kasama na ang mga pangarap natin para sa ating mahal na bansa. Bumubukal ang pagmamahal natin sa ating bayan sa bawa’t paghimas, pagmasid at paglarawan sa sining at literatura, sa marikit at makulay na kalikasan nito. At higit pa rito ang kaya niyong gawin. Alam kong isang libong hugis at anyo ng kadakilaan at pagmamahal sa bayan ang inyong ipinamamalas ngayon at kaya ninyo pang ipamalas, mahal kong mga kabataan.
Sa amin pong banda sa hudikatura, mayroon po kaming isang pryekto na ang tawag namin ay Hustisyeah! Upang bawasan ang sandimakmak na mga kaso sa aming korte, kinakailangan po naming hingin ang tulong ng mga volunteer na lawyers at law students. Hindi ko po inakala, na dahil po sa kanilang exposure sa aming mga korte, ay hindi lamang iilan sa mga law students ang ngayo’y nangagarao na maging huwes o kaya kahi’t Clerk of Court man lamang. Ang Clerk of Court ay parang court manager namin. Naiintidihan po nila na ang “hustisya” ay hindi isang theoretical concept lamang nguni’t upang mabuhay, kailangan din ng dugong buhay na ibubuhos sa araw-araw na pag-aasikaso sa mga asunto na nakapila sa aming mga korte; ang pagsisigurado na ang mga notices at subpoena ay nakararating sa mga abugado at mga testigo; ang pagbantay sa karapatan ng mga nasasakdal; ang mabilis at masusing pagtapos ng transcript of stenographic notes sa bawa’t hearing; at ang malalimang pagsusuri sa bawa’t kaso upang maging wasto at makatarungan and desisyon ng korte. Ang leksyon – hindi pala po biro-biro ang pagpapalaganap ng hustisya sa ating bayan, hindi po ito gawa ng mga bata, at hindi po katanggap-tanggap ang attitude ng ningas cogon sa mga namamahal nito. Magaganap lamang ang hustisya, at maitatatag lamang ang ating bayan, kung bawa’t isa sa atin, bata man o matanda, estudyante man o katatapos pa lamang, ay huhugot ng ibayong kadakilaan at kabayanihan sa pinakaibuturan ng ating kaluluwa, at ibibigay ng walang paglimbot ang ating buong sarili sa ating bayan.
Dati po, nakalulungkot na marami sa pinakamagaling na graduates ng UP College of Law, ang sasabihin; ay, gusto kong maging lawyer sa top law firm kasi yayaman ako ng husto, ang mga magagaling, ang tinatanong; paano ako makapagsisilbi ng husto sa aking bayan?
Kaya’t aking mga kaibigan, kayo na kasimbata lamang o mas bata pa sa aking mga anak, huwag niyong sayangin ang inyong kabataan, ang inyong lakas, ang kaningningan ng inyong mga mata, ang inyong ideyalismo at pagkamalikhain, sa mga pangarap na walang saysay, nguni’t mangarap kayo ng napakagandang pangarap para sa ating bayan. Kung ano man ang naging kakulangan ng mga henerasyon ng inyong mga magulang, mga lolo’t lola at kaninu-ninuan, punan niyo. Higita niyo ang kabayanihan nila sa Tirad Pass, lampasan niyo ang sakripisyo nila sa Death March, mas galingan niyo ang kakaibang diwa na ipinakit nila sa EDSA People Power. Pagka’t nasa inyong kamay ang pagkakataon, nasa inyong mga kamay ang oras, nasa inyong mga katawan ang lakas, at higit sa lahat, nasa inyo ang mga boses na sisigaw – tama na, tama na ang katiwalian, tama na ang lamangan, tama na ang kasuwapangan. Panahon na para ang katarungan ang manaig. Panahon na, na kung ano lamang ang tama ang gagawin ng bawa’t isa sa atin.
Natutuwa po ako na marami sa inyong mga kabataan ang nabababawasan sa mga myembro ng nagdaang henerasyon na mahilig sa lavish parties, sa mga designer bags at shoes. Alam kong natatawang naaawa po kayo sa kanila, pagka’t alam niyong ang ganiyang kababawan ay hindi magdadala ng tunay na kagandahan. Hinahanap niyo ang kagandahang nagmumula sa pagpapakatotoo, sa pagiging authentic. Hinahanap niyo ang mga mamumuno na hindi peke, at pinaparamdam niyo ito sa iba’t ibang paraan. Marami po sa inyong mga kabataan ay naghahanap na ng authentic life of service. At hinihimok ko po kayo – ipagpatuloy niyo ang paghahanap a ito at ang pagpapalaganap ng buhya na malalim. Buhay na bukas sa katotohanang mapagpalaya, buhay ng pagtataya sa sarili, buhay na magpapalaganap sa nobilidad ng Pilipino.
Sa napakagandang bukas na hinahanap natin, kung tayong mga Pilipino ay magbubuklod sa ating hangaring tunay na pagsilbihan ang ating bayan – dumaos ka nawa. Nawa’y basbasan ang henerasyon na ito at ang darating pang mga henersayon ng kabutihan ng Maykapal, ang Diyos ng katotohan at pag-ibig, ang Diyos na mapagpalaya, ang Diyos na nagmamahal sa Bansang Pilipinas.
Mabuhay po kayong lahat at pagpalain ng Diyos, sampu na ng inyong mga mahal sa buhay. Mabuhay ang iskolar ng Bayan!
Lawyer-academician Maria Lourdes P. A. Sereno was appointed on August 16, 2010 as the 169th Justice and on August 24, 2012 as the 24th Chief Justice of the Supreme Court. Born on July 2, 1960, she is the youngest to be so appointed to the SC in this century. She may also be one of the longest-serving ever, as she is to mandatorily retire in 2030 after serving a 20-year term.
Despite her family’s humble means, Chief Justice Sereno’s parents were able to nurture in her a passion for learning and personal excellence during her formative years. Her father, a native of Siasi, Sulu, and her mother, a public school teacher, saved what little money they had to buy second-hand books that she would eagerly read. Her appetite for literature and reflection served her well during her primary schooling and enabled her to graduate with honors at the Kamuning Elementary School and Quezon City High School. She was then awarded generous scholarships by the government and several private institutions that allowed her to earn an Economics degree at the Ateneo de Manila University, and a Bachelor of Laws degree at the University of the Philippines.
After graduating valedictorian from the UP College of Law in 1984, Chief Justice Sereno joined the largest law firm in the country. While she enjoyed her very challenging work in the law firm, her family started to grow. Choosing to spend more time with her two young children and her husband, she opted to leave the law firm in 1986.
She joined the UP College of Law where she was able to mold young men and women in the principles of Civil and Commercial law. From being one of the youngest faculty members, she would eventually go on to lead and administer two institutions based in the UP Law Center – the Institute of International Legal Studies and the Information and Publication Division. She was a professor at the UP College of Law for nearly 20 years. At one point, she also became Deputy Commissioner of the Commission on Human Rights and was partly responsible for writing the organizational plans for the Commission. She has also taught at the Philippine Judicial Academy and several international academies.
In 1992, Chief Justice Sereno was awarded a De Witte Fellowship and a Ford-Rockefeller Scholarship to pursue her Masters of Laws at the University of Michigan, Ann Arbor, where she developed her proficiency in law and economics and international trade law. When she and her family returned to the Philippines, she played a key role in developing those fields of law.
At the age of 38, she was appointed as legal counsellor at the World Trade Organizations’ Appellate Body Secretariat in Geneva. Her international experience and her pioneering achievements in the legal profession were recognized when she was selected as one of The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) for law.
At the age of 39, she was chosen as the only female member of the 1999 Preparatory Commission on Constitutional Reform where she was elected Chairperson of the Commission’s Steering Committee. Here, she helped the various sectoral committees identify key constitutional issues, and integrated their findings into a common framework for analysis of the various constitutional provisions. In the same year, together with Justice Jose Campos, Commissioner Haydee Yorac, and other professors from the UP College of Law, she co-founded Accesslaw, a corporation that provided the first annotated electronic research system in Philippine law.
Access to justice is one of the centerpiece advocacies of Chief Justice Sereno. One of her earlier works in law school included a review of the interface between domestic laws and indigenous customary laws. The United Nations Development Program would commission her to write a paper on judicial reform, which would eventually become the basis for the first external reform program that was welcomed by the Supreme Court. Among the activities the project birthed was the first-ever dialogue between the Members of the Supreme Court and representatives of the basic sectors. She also assisted in the High Tribunal’s pilot projects on mediation and judicial case management systems, and wrote a widely-quoted survey-based paper on justice and the cost of doing business, together with professors from the UP School of Economics.
Prior to her joining the Court, she was engaged in major international litigation as co-counsel for the Republic, after which she joined the Asian Institute of Management as Executive Director of its think-tank – the AIM Policy Center – where she pursued her interest in policy reform and its impact on governance and the economy.
Believing in what she could deliver for justice and judicial reform, President Benigno C. Aquino III made her his first appointee to the Supreme Court.
She is married to Mario Jose E. Sereno. They are blessed with two children, Maria Sophia and Jose Lorenzo. (Supreme Court of the Philippines website)
x x x."