Saturday, December 17, 2016

Robredo on Duterte’s confession of killing suspects


(1)             “Nakakabahala ‘yun. Nakakabahala ‘yun kasi ano ‘yung mensaheng binibigay niya hindi lang sa karaniwang mamamayan, pero lalong lalo na siguro sa mga alagad ng batas? Dapat sigurong alalahanin natin na siya ‘yung commander-in-chief ng Armed Forces, siya din ‘yung pinaka-boss ng mga pulis. Kapag sinabi kasi natin na ‘yung commander-in-chief natin o ‘yung pangulo natin parang pinagkukuwento na umiikot siya na siya mismo ‘yung pumapatay ng tao, ‘yung nakakatakot dito parang ine-encourage natin ‘yung culture of impunity.”

(2)            “Ano bang mensahe nito? Binibigyan ba natin ng lisensya ‘yung mga alagad din ng batas o karaniwang mamamayan na mampatay din ng tao?”

(3)            “Alam natin ‘yung statistics, nakakabahala na. Almost 6,000 deaths. ‘Yung almost 6,000 deaths na ‘yun ang kalahati nu’n parang dahil sa police operations. Tapos dadagdagan pa ng ganitong mga pananalita? Natatakot tayo na baka things might get out of hand na tingin nga natin nagiging out of hand na ngayon.”

(4)             “Gaya ng sabi ko kanina na baka ang statements ng Pangulo na siya mismo ang pumapatay at iyong sinabi niya na ‘pag alagad ng batas ang pumatay at drug-related ay sisiguruhin niya na hindi ito makukulong… Parang ‘pag ganito kasi ang statements, parang ini-inspire mo pa ang iba to take the law into their own hands.”\

(5)             “Nakakatakot nito, parang nilulusaw niya ang rule of law sa ating bansa, na ito ang pinaka-core ng ating kaluluwa bilang  isang bansa.”


- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/592732/news/nation/robredo-duterte-statements-on-killings-may-encourage-culture-of-impunity#sthash.nzRQfZl4.dpuf