Friday, February 20, 2015

Tanong at Sagot: Pagrerehistro para sa Halalan | Official Gazette of the Republic of the Philippines

See - Tanong at Sagot: Pagrerehistro para sa Halalan | Official Gazette of the Republic of the Philippines





"x x x.

Sa Mayo 2016, muling gaganapin ang halalang pambansa. Bilang demokratikong bansa, may karapatan ang bawat Pilipinong piliin ang kanyang pinuno. At upang makaboto, kailangan munang makapagrehistro ng isang indibidwal bilang opisyal na botante.
Puwede na ba ako magrehistro para sa halalan?
Maaari ka nang magrehistro kung ikaw ay:
  • Mamamayan ng Pilipinas,
  • 18 taong gulang pataas,
  • Residente ng Pilipinas nang di-bababa sa isang taon,
  • Residente ng pook kung saan mo gustong bumoto nang di-bababa sa anim na buwan, at
  • Hindi diskuwalipikado ng batas.
Hindi ka maaaring magrehistro kung ikaw ay:
  • Nakulong nang di-bababa sa isang taon, at nakalaya hindi dahil sa plenary pardon o amnestiya.
  • Nagkasala ng kasong rebelyon, insureksiyon, paglabag ng batas ukol sa armas, o kahit anong krimen laban sa seguridad ng bansa.
  • Wala sa tamang pag-iisip o walang sapat na kakayahan, ayon sa paghuhusga ng kinauukulang awtoridad (makapagrerehistro lamang kung ideklara ng awtoridad na malaya na sa nasabing kalagayan).
Hanggang kailan ako maaaring magrehistro?
Hanggang Oktubre 31, 2015, ang pagrerehistro para sa halalan sa Mayo 2016.
Saan ako pupunta para makapagrehistro?
Maaari kang magparehistro sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) o Office of the Election Officer (OEO). Mayroong lokal na COMELEC o OEO sa bawat distrito, lungsod, o munisipalidad. Kadalasang matatagpuan ang mga ito malapit sa munisipyo.
Anong oras bukas ang mga tanggapang ito?
Para sa mga pangunahing lungsod, bukas ang mga tanggapan mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 n.u. – 5:00 n.h. Para naman sa iba, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
Kailan ko bang personal na pumunta para magparehistro?
Oo. Hindi pahihintulutan ang ibang tao na magrehistro para sa iyo.
Ano’ng kailangan kong dalhin para makapagrehistro?
Dalhin ang sumusunod sa iyong pagrerehistro:
  • Dalawang (2) ID kung saan nakasaad ang iyong litrato, tirahan, at pangalan. Pumili mula sa sumusunod:
Paano ko mapabibilis ang proseso ng pagrerehistro?
Sagutan online ang application form, i-print, at dalhin sa pagrerehistro para makatipid ng oras. Maaari ding i-download ang application form saka ito i-print at sagutan. Tiyaking mayroon kang tatlong (3) kopya ng application form para sa iyong pagrerehistro.
Ano-ano ang mga gagawin pagdating sa COMELEC/OEO?
  1. Beberipikahin ang iyong pagkakakilanlan at tirahan gamit ang iyong ID.
  2. Beberipikahin ang lagay ng iyong pagrerehistro.
  3. Sagutan ang application form. Tiyaking tatlong (3) kopya ang sinagutan mo. Maaari mo nang sagutan ito bago online o i-download ang form bago ka magparehistro para mapabilis ang proseso.
  4. Kukunin ang iyong biometrics (litrato, fingerprint, lagda).
  5. Bibigyan ka ng Acknowledgment Receipt pagkatapos.
Kailangan ba ng Voter’s ID para makaboto?
Hindi. Subalit maaari itong dalhin, o iba pang valid ID sa araw ng halalan.
Paano ako makakukuha ng Voter’s ID?
Kailangan mong magparehistro at siguruhing nakuhaan ka ng biometrics para makakuha. Walang biometrics, walang Voter’s ID.
Kailan ko makukuha ang aking Voter’s ID?
Aabutin nang di-hihigit sa anim (6) na buwan bago mo makuha ang iyong Voter’s ID. Libre ito at maaaring kunin sa tanggapan kung saan ka nagparehistro.
_____________________________________
Para sa karagdagang kaalaman bisitahin ang comelec.gov.ph.
x x x."